Friday, August 3, 2012

God. Faith. Sin. Existence.

Friday; August 03, 2012

Should this post be in English, Filipino, Korean, Chinese? LOL. Maybe, I'll just use TagLish, Conyo language... Like really, like puhrungggg. =)) No offense to those conyo people out there. Conyo is cool! :-bd I even use that language when I'm talking to my friends... Pag trip namin, haha. Or even to those people who are naturally born conyo. Oh how I miss Justine Silvino, best conyo person ever! Whaaaat? :))

But this blog post is not about languages guys. It's about our lesson in Philosophy of Man a while ago. Yeah, I attended my class, lol. Can someone give me an award?

Well, our lesson a while ago is about Existentialism. They are the one who doesn't have God, or doesn't believe in God. They just believe in existence. That's what I heard a while ago, correct me if I'm wrong.

Okay. Di ko na kaya. Mag tatagalog na ko! :))

Sabi nun prof ko kanina, "Tignan niyo, mas makasalanan pa ang mga Kristyano, kasi, alam nila, after nun ginawa nilang kasalanan, may pag mapapatawad sakanila, which is God."

Tama nga naman yun prof ko, mas marami ang mga ma-kasalanan na Kristyano, mas maraming Kristyano ang engage sa Pre-marital sex, (eto lang kasi yun example niya kanina) at kung ano ano pang kasalanan ang pwedeng magawa ng isang tao.

Catholic ako, pero hindi ako katulad ng ibang Catholics na O.A sa pagiging isang Katoliko. Minsan nga, nakakalimutan ko pa mag dasal bago matulog, I didn't even go to mass every Sunday. Pag ata may prayer lang bago mag start yun class ako nakakapag pray eh. Am I already a devil? Kasi hindi ko nagagampanan ang pagiging Kristyano ko?

Pag ba nagmura ako ng sunod sunod ng malulutong na mura, demonyo na ko? Pag ba hindi ako nagbasa ng bible araw araw, sobrang makasalanan na ko? If I'm not mistaken, walang rules na nag eexist na ganun. May nabanggit ba sa Bible na pag hindi mo 'to binasa, mapupunta ka na sa impyerno? Wala naman di ba? Yes, there are 10 Commandments. Is these 10 rules are followed by those Catholics/Christians that are existing? I think not. Most of them, sinusuway pa. And I'm guilty with that.

Hindi mo kailangan magpaka-santo para lang mapunta sa langit. Hindi mo kailangan mag recite ng pagkadami daming dasal, para lang masabi na "Holy person" ka. Yun mga pastor, priest, bishop... Sa tingin niyo, hindi nagkakasala yan mga yan? We don't have to be a trying-hard person para lang mapunta ka sa langit. Hindi mo rin kailangan magkaroon ng relihiyon para lang masabi na naniniwala ka kay God.

Hindi mo kailangan mag Thank you bawat segundo, para lang masabi na you're a God-loving person. Though, syempre, as a sign of gratitude to God, maging thankful pa din tayo sa mga bagay bagay na nabigay. Pero wag yun O.A... One thank you and sorry is enough. You have Him right? You believe that He can hear and see you. Kaya pag may nagawa kang kasalanan, nakikita niya na yon. At pag nakita na niyang nagsisisi ka, mapapatawad ka niya.

With this blog post, I'm not saying that I don't believe in Him and I don't consider Him as my God. What I want to tell is that, wag tayong maging O.A sa mga bagay bagay katulad nito. Tao ka, nagkakamali, gustong maka-experience ng mga dapat i-experience sa mundong ito.

We are humans, we exist, we are sinners. Hindi lahat ng makakasalamuha mo, mabait. Hindi lahat ng mangyayari sa buhay mo, maganda. We have to accept the fact that those things happen. Na kahit anong iwas mo pa sa pag gawa ng kasalanan, hindi mo 'to maiiwasan.

Marami akong kilala na "O.A" sa pagiging Kristyano, O.A sa paniniwala kay God. Every Sunday, nasa simbahan yon/sila, hindi nga lang ata Sunday eh. Kung magdasal yon/sila, dalawang minuto ata. Pero ano, hindi sila ganun ka-linis. They are not that HOLY. Kasi, hindi nila alam, may mga actions sila na kasalanan na pala ang nagagawa nila.

Meron pa. He's a ReEd professor, tinuturo niya, mga Moral sins, Moral Acts and etc. About Christian Morality ang tinuturo niya, pero ano, he didn't know how to apply it on himself. Close-minded person, and napaka inconsiderate na prof. Christian Morality? Sure ka bang binasa mo yan tinuturo mo? Sorry guys, pero bitter pa din talaga ako sa prof na 'to.

O dba, may mga tao talaga na sadyang marunong mag malinis, magpaka Diyos, at bait baitan. Para lang masabi na they are "Holy one". Pero hindi ata nila alam kung ano talaga yun ginagawa nila at isinasapuso nila.

Don't judge me on this post. Don't even hate me. I just want to express or say what I've realize a while ago listening to my Philosophy of Man prof. Kahit nga hindi ko pa siya naririnig kanina eh, matagal ko na rin naiisip 'to.

I repeat. I don't hate God. I do believe in Him. I do have faith in Him. Pero hindi ko kailangan lumuhod sa simba habang papalapit sa altar para lang mapatunayan na naniniwala ako sakanya. Hindi ko kailangan mag recite ng isang libong dasal para lang mapatunayan na naniniwala ako sakanya. Hindi ko kailangan tawagin lahat ng santo para lang masabi na maka-Diyos ako.

I'm thankful with what He gives. And I'm sorry for what I've done. One prayer a day is enough to prove that you believe in Him.